Friday, December 26, 2014

NCRPO naka-full alert sa Metro Manila

ISINAILALIM pa rin sa full alert status ang buong Metro Manila bagama’t walang namo-monitor na banta sa seguridad ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).


Epektibo noong Lunes, December 22, ang full alert status ng NCRPO at magtutuloy-tuloy na ito hanggang sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.


Ayon kay NCRPO chief Police Director Carmelo Valmoria, nais lamang nilang matiyak na ligtas ang publiko ngayong holiday season.


Sinabi ni Valmoria, nakatutok na rin sila ngayon sa pagsalubong sa bagong taon lalo na ang pagbebenta at paggamit ng mga iligal na paputok.


Hinikayat naman ni Valmoria ang publiko na makiisa sa ipinapatupad na security measures ng pambansang pulisya at sakaling may makita na mga paglabag gaya ng iligal na pagpapaputok ng baril, pagggamit ng mga ipinagbabawal ng firecracker ay isumbong kaagad sa mga awtoridad.


Pagtiyak ni Valmoria, 24/7 na may mga pulis na tutugon sa mga tawag at sumbong ng publiko. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



NCRPO naka-full alert sa Metro Manila


No comments:

Post a Comment