Friday, December 26, 2014

Bangkay ng 2 dinukot na Korean nat’l, natagpuan

NATAPOS na ang paghahanap sa dalawang South Korean national na nawawala may tatlong taon na ang nakararaan matapos matagpuan ang kanilang bangkay sa Rizal kaninang umaga (Disyembre 26).


Mismong ang mastermind sa krimen na isa ring Korean na si Kim Wong Bin ang nagturo sa Philippine and Korean authorities sa pinaglibingan ng mga biktimang sina Hong Seok Dong at Kim Young Yeul.


Sa ulat, nahukay ang kalansay ng mga biktima sa ilalim ng sementadong sahig ng isang bahay sa Taytay, Rizal dakong 7:35 ng umaga.


Bago ito, napiga ng Korean police ang suspek na ituro na lang sa kanila ang pinaglibingan sa dalawang kababayan na pinatay nito.


Bitbit ang suspek na si Kim, pinuntahan ng awtoridad ang isang maliit na bahay sa Taytay at matapos ituro nito ang painaglibingan ay hinukay na ng mga operatiba ang sementadong sahig at doon nakita ang dalawang pares ng kalansay ng mga biktima.


Inamin din ni Kim na sa kabila ng pagbayad ng $15,000 na ransom money ay pinatay pa rin nila ang mga biktima.


Nahuli si Kim at dalawa pang kasabwat nito noong 2011 sa iba’t ibang krimen na ang biktima ay kapwa nila kababayan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay ng 2 dinukot na Korean nat’l, natagpuan


No comments:

Post a Comment