Friday, December 26, 2014

Jinggoy at Bong, humirit ng mahabang visiting hours sa New Year

KAPWA hiniling nina Senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada na palawigin ang kanilang visiting hours sa pagsalubong sa Bagong Taon.


Sinabi ni Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, na natanggap na ni Chief Supt. Alberto Supapo, Director ng Headquarters Special Services ang kahilingan at inirekomenda na para aprubahan ni OIC PNP Chief Leonardo Espina.


Ang regular na oras ng dalaw ng dalawang senador ay mula ala-1 hanggang alas-5 lamang ng hapon.


Subalit sa Disyembre 31, hiniling ng dalawang senador na payagan silang mabisita mula ala-1 ng hapon hanggang alas-2 ng madaling-araw ng Enero 1.


Ayon kay Mayor, tanging sina Estrada at Revilla lamang ang humiling ng extension sa visiting hours sa mga high profile detainee sa Crame.


Posible namang makaapekto sa desisyon ng PNP ukol sa hiling ng dalawa ang paglagpas sa oras ng pagbisita ng ilang dumalaw sa mga mambabatas nitong bisperas ng Pasko.


Ayon kay Mayor, may mga bisitang huli nang nakalabas sa Custodial Center subalit hindi niya batid kung anong oras.


Miyerkules nang naghain din ng request for extension ang kampo ng dalawa para sa Pasko pero ito ay tinanggihan dahil sa masyadong huli na itong naisumite.


Paliwanag ni Mayor sa pag-extend ng mga bisita ng dalawang senador, posible aniyang inakala na nilang napagbigyan na ang hiling nilang pinahabang bisita sa Pasko kaya lumagpas sa visiting hours ang kanilang misa at salu-salo. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Jinggoy at Bong, humirit ng mahabang visiting hours sa New Year


No comments:

Post a Comment