MALAKING palaisipan ngayon sa awtoridad ang pagkamatay ng isang 52-anyos na lalaki na natagpuang laslas ang leeg sa loob ng isang tindahan sa Quezon City kaninang hapon Disyembre 3, Miyerkules.
Kinilala ang biktimang si Elpidio Torres, may-asawa, welder ng no. 1 Capas Road, Brgy. Holy Spirit, QC.
Ayon kay PO3 Vic Guerrero ng Quezon City Police District (QCPD), nadiskubre ang bangkay ng biktima ng isang Jaime Velasquez na wala ng buhay sa loob ng stall no. 113-B sa Road 8, Bgy. Bagong Pag-asa, QC dakong 1:00 ng hapon.
Sa ulat, bago mag-alas-8:00 ng umaga, nagpunta umano si Velasquez sa naturang stall na inuupahan ng kanyang kapatid na babae at inabutan niya ang biktima na inaayos ang steel gate ng stall saka siya bumalik ng bahay.
Ilang sandali, pagkabalik ni Velasquez sa stall, nakita nito ang biktima na nakahiga sa semento na may malalim na hiwa sa leeg. Habang sa tabi nito ay ang isang handy electric grinding machine na may sira ang grinding blade.
Agad naman ipinagbigay-alam ng witness sa awtoridad ang insidente. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment