Friday, December 26, 2014

Mixed emotions si Vice Ganda!

MIXED emotions ngayon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda. Namatay kasi sa mismong araw ng Pasko ang kanyang Lolo Gonzalo. And at the same time, number one naman ngayon ang pelikula niya na “The Amazing Praybeyt Benjamin” among the entries sa Metro Manila Filmfest.


Multiple organ failure ang dahilan ng pagkamatay ng lolo ni Vice who is 93-years old. Kamakailan lang noong humiling ng sandaling panalangin si Vice sa madlang people sa It’s Showtime para sa kanyang Lolo Gonzalo na isinugod sa ospital.


Nagpasalamat din si Vice via his Twitter account sa mga nanonood ng TAPB dahil nagtala ng panibagong record sa box-office ang kanyang pelikula sa MMFF. Tumabo sa takilya ng mahigit P53M ang TAPB noong Pasko at siya ngayon ang nagmamay-ari ng titulo bilang bagong highest opening day gross for any Filipino film.


Through the invitation of box-office director Wenn Deramas na binilhan kami ng tiket para sabay kaming makapanood ng movie niya na pinagbibidahan ni Vice Ganda, na-witness namin ang dami ng mga nanonood sa TAPB.


Syempre, dahil kabilang sa cast ng TAPB ang child star na si Bimby Aquino Yap expected ng darating ang ‘first family’ headed by President Noynoy Aquino and her sisters sa pangunguna ng ng Queen of All Media at ina ni Bimby na si Kris Aquino.


Hindi rin nagpahuli ang ama ni Bimby na si James Yap na nanood ng second movie ng anak nila ni Kris kasama ang nobya niyang Italyana. Medyo malayo ang seat namin from Bimby’s family kaya hindi namin nakita ang reaction ni James sa eksena kung saan ginawang babae ang child star na mala-Sarah, the little princess habang nag-ala-Miss Minchin naman si Vice.


Bongga ang tandem ni Vice at Bimby. Kitang-kita sa movie na super close talaga si Bimby kay Vice. Pwede ring gumawa ng movie sina Vice at Bimby na mala-comedy version ng ‘Tatay Kong Nanay’ ni Dolphy at Niño Muhlach.


-ooOOOoo-


Kung nag-‘theater tour’ sina Vice Ganda, Bimby Aquino Yap, Kris Aquino at Coco Martin, umikot din pala sa ilang sinehan ang magkapatid na Robin at Rommel Padilla para sa movie nila na “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.”


After lunch noong Christmas day ay una silang nagpunta sa sinehan sa may Greenhills. And then, pumunta naman sila sa TriNoma cinema. Noong parade naman isa sa mga dinumog ang float among the MMFF entries ay ‘yung sa “Bonifacio: Ang Unang Pangulo.” Bukod kasi kay Robin, kasama rin niya sa float ng “Bonifacio” ang pamangkin niya at tinagurian ngayon bilang Teen King na si Daniel Padilla.


Mabuti naman at sumama si Daniel sa kanyang Tito Robin during the parade. Hindi kasi namin nakikita si Daniel na nagpro-promote ng “Bonifacio.” Kahit nga sa presscon ng “Bonifacio” ay absent si Daniel.


Nagdududa tuloy kami na baka true ang tsika na tsika na ‘di raw pinayagan si Daniel na mag-promote ng “Bonifacio.”


Anyway, binigyan ng Graded A ang “Bonifacio” ng Film Development Council of the Philippines Cinema Evaluation Board. Unanimous daw ang binigay na grade ng lahat ng CEB members na nag-review ng “Bonifacio.”


“Director Enzo Williams mines this romanticized historical action drama to establish the unmistakable construct that Andres Bonifacio was the first president of our fledgling republic at the time. Editing at less than 100 minutes makes full use of the cut and paste, with seamless shifting back and forth in time,” comment ng CEB board members.


Puring-puri rin nila ang performance ni Robin bilang si Andres Bonifacio at ang deglamourize na si Vina Morales sa movie bilang si Oryang. SWAK NA SWAK/JULIE E. BONIFACIO


.. Continue: Remate.ph (source)



Mixed emotions si Vice Ganda!


No comments:

Post a Comment