KAHIT ang ama ni Daniel Padilla na si Rommel ay hindi pinatawad ng mga bashers sa social media dahil sa sinabi niyang unahin muna ang showbiz career bago ang lovelife. Bilang ama, wala namang masamang ipakahulugan si Rommel sa payo sa anak. Dapat nga naman na samantalahin ni DJ ang popularity niya bago magseryoso sa pag-ibig at mambuntis ng babae.
Nalulungkot si Daniel sa mga nangyayari sa social media. Ang babata pa raw pero kung anu-anong masasakit na salita ang ipinupukol sa papa niya at pati ang Tito Robin (Padilla) niya ay idinadamay. Masyado raw silang maraming alam at nagmamarunong.
Nasasaktan si DJ kung pamilya niya ang dinadamay ng mga bashers. Marahil hindi nagustuhan ng ilang solid fans ni Kathryn Bernardo ang komento ni Rommel pero bilang ama, gusto lang niyang mapabuti ang anak. Huwag pabayaan ang opportunity na tinatamasa nito sa ngayon.
At tinatanaw rin naman na malaking utang na loob ng Teen King na malaking parte ang tandem nila ni Kathryn kung anoman ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.
“Malaki ang pasasalamat natin kay Kathryn. Pero ‘yun nga ang sinasabi ko, may mga nagmamarunong …na akala mo sila ‘yung nagpapakain sa amin, sila ‘yung nagpalaki sa amin. ‘Yun ang malungkot,” deklara ni DJ sa isang panayam na patungkol sa mga bashers.
Anyway, sinabihan na raw ni Daniel ang mga solid fans niya na ‘wag makipag-away sa social media. Huwag patulan ang mga bashers at maging suplado na lang.
Kumbaga, ‘wag pansinin.
Samatala, may filmfest movie ngayon si Daniel. Kasama siya sa “Bonifacio: Ang Unang Pangulo” na kung saan ay tampok sina Robin Padilla, Vina Morales, Jasmine Curtis- Smith, Jericho Rosales, Rommel Padilla, atbp.
Pak!
-0o0-
Kakaiba ang set-up nina Kc Concepcion at Paulo Avelino. Wala pang label ‘yung relasyon nila.
“Sabi ko, kung maging ready na ba ako magpakasal, ready na ba siya if ever siya ba?” sambit ni KC nang makatsikahan siya ng press.
Hindi naman daw tinatanong ni KC kung handa na si Paulo.
“Hindi naman. Syempre, hindi. Sa inyo ko lang kinukwento, wala naman siya, eh. Parang thought balloon lang na, ‘Huwag na lang kayang lagyan ng label kesa masira ‘to dahil may expectation.’ Ano na lang, let time tell na lang,” sambit ni KC.
Aminado rin si KC na nag-aaway sila ni Paulo. Nagdidiskusyon sa mga bagay-bagay dahil hindi naman sila ‘yung mga walang alam. At kadalasan ‘yung pride ng isa’t isa ang kailangang ibaba.
Pero maraming bagay raw ang napagkakasunduan nila at mag-bestfriend talaga.
Anyway, extended ang Pasko sa ABS-CBN dahil tuloy-tuloy hanggang Bagong Taon ang pagbabahagi ng mga makabuluhang kwentong puno ng aral ng hit Kapamilya Christmas TV special na Give Love on Christmas. Sa ikatlo at huling kwento nito na pinamagatang Exchange Gift ay bibida ang award-winning actors na sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Mapanonood ito sa Enero 5 bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.
Tampok din sa Give Love on Christmas Presents Exchange Gift sina Melai Cantiveros, Jason Francisco, Miguel Vergara, Cheska Iñigo, Lauren Burgos, at Jim Paredes. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Manny Palo. XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment