ARESTADO ang magkasintahang “tulak” ng ipinagbabawal na droga isinagawang buy-bust operation kagabi sa Sta. Cruz, Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District-Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Groups.
Nakakulong na ngayon ang mga nadakip na sina Enrico Salanatin, 29, mekaniko, ng 1224 Timas Mapua St., Sta. Cruz, Maynila, at Charie Mendez, 33.
Ayon kay PCInsp. Glenn Gonzales, hepe ng MPD-DAID, nakarekober pa sila sa mga suspek ng isang granada at 357 kalibre ng baril alas-10:30 ng gabi sa panulukan ng Remigio at Oroqueta St.
Nauna rito, nagsagawa ng survellaince ang mga tauhan ng MPD-DAID at nang makatiyak na nagbebenta ng shabu ang magkarelasyon ay saka ikinasa ang operasyon kung saan isang operatiba ang nagpanggap na poseur buyer.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 at RA 10591 dahil sa nakumpiskang armas at pampasabog ang magkasintahan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment