IPINASUSUPLONG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa publiko ang mga taxi driver na nangongontrata sa kanilang serbisyo ngayong Kapaskuhan.
Sinabi ni LTFRB Chairperson Winston Ginez, nauuso na naman ang mga nangongontratang taxi driver lalo’t dumadagsa ang mga tao sa mall at pasyalan.
Kapag naka-engkwentro, hinimok ng ahensya na tumawag sa kanilang hotline na 459-2129 para isuplong ang mga abusadong driver.
Ayon kay Ginez, bukod sa mga namimili ng pasahero ay maaari rin na isumbong ang mga tsuper na naniningil ng sobra o overcharging, kaskasero, hindi maganda ang trato sa pasahero, mabilis ang patak ng metro at iba pa.
Hindi lamang aniya ito sa mga taxi driver kundi para rin sa lahat ng PUV.
Sa pinakahuling record ng LTFRB, umaabot sa higit 30,000 reklamo ang kanilang natanggap mula pa noong Enero 2014.
Hindi nabanggit sa ulat kung ilan na ang naparusahan ng ahensya. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment