LINGAYEN, PANGASINAN – Isang 50-year-old na lalaki ang patay matapos siyang saksakin ng isang menor-de-edad sa Lingayen, sa nasabing lalawigan.
Ang biktima ay nakilalang si Lyndon Fabia, ng nasabing bayan.
Si Fabian ay namatay sanhi ng dalawang saksak sa leeg at dibdib.
Sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa kanilang sala nang pumasok ang suspek sa terrace at dumiretso sa biktima saka ito walang sabi-sabing pinasasaksak.
Agad namang naaresto ang suspek ilang minuto lang ang nakalipas.
Ang suspek ay tumangging magbigay ng komento ngunit inamin nito ang ginawang krimen. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment