Monday, December 1, 2014

Hirit na pagpiyansa nina Revilla at Napoles, ibinasura

IBINASURA ng Sandiganbayan ang petisyon nina Senador Bong Revilla, Janet Napoles at Richard Cambe na makapagpiyansa kaugnay ng plunder case sa pork barrel scam.


Batay sa 71-pahinang desisyon ng Sandiganbayan 1st Division, may sapat na ebidensya ang prosekusyon kaugnay ng alegasyong sabwatan ng tatlong pangunahing akusado.


Kasama rin sa humirit ng piyansa na hindi pinagbigyan sina Ronald John Lim at John Raymund de Asis.


Pirmado ni Associate Justice Efren dela Cruz ang naturang desisyon.


Sa itinakbo ng 10-araw na bail hearing, nakapagprisinta ang prosekusyon ng hindi bababa sa pitong testigo habang nagkaroon lamang ng tatlo ang depensa. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Hirit na pagpiyansa nina Revilla at Napoles, ibinasura


No comments:

Post a Comment