Wednesday, December 3, 2014

FOI, iaakyat sa plenaryo bago mag-Pasko

UMAPELA ang ilang kongresista sa Senado na i-adapt na lamang ang bersyon ng Kamara sa Freedom of Information bill (FOI).


Binigyang-diin ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo na kung pag-uusapan ang exemptions ay halos pareho ang Senate at House versions.


Ngunit sa bersyon ng Kamara ay nagdagdag aniya ng limang probisyon na wala sa bersyon ng Senate FOI gaya ng open date na magtutulak para mas maging transparent ang gobyerno.


Sa ilalim aniya ng open data, kahit walang demand o request ay obligado ang gobyerno na ilabas ang lahat ng mahahalagang impormasyon sa kanilang websites.


“Palagay po namin mas malakas ang bersyon ng House ng FOI dahil binibigyan nito ng mas malaking obligasyon ang gobyerno na i-publicize iyong information na kailangan ng publiko. Napakahalaga sa bicam na mailagay iyong open data provision dahil ‘pag nangyari ito, tayo ang unang bansa sa mundo na sabay na ang paglabas ng FOI at open data law,” ani Robredo.


Kasabay nito, tiniyak ni Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte, chairman ng House Committee on Information ang technical working group report ukol sa FOI sa plenaryo bago mag-recess ang Kongreso sa December 19. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



FOI, iaakyat sa plenaryo bago mag-Pasko


No comments:

Post a Comment