PITO ang sugatan makaraang mawalan ng preno ang isang mini bus dahilan upang magkarambola pa ang pitong sasakyan sa MIA Rd., Parañaque City kaninang umaga, Huwebes.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) Metrobase, galing ng Cavite ang naturang mini bus.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinalpok ng “Jethro” mini bus ang pitong sasakyan na kinabibilangan ng motorsiklo, dalawang passenger cars, dalawang sport-utility vehicles, at isang van makaraang mawalan ng preno.
Tinutugis naman ngayon ng awtoridad ang driver ng mini bus na tumakas makaraan ang aksidente. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment