DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaanak ng namatay na airport police trainee na sinasabing binangungot habang nasa team building sa isang resort sa Nueva Ecija.
Ito’y matapos hilingin ng pamilya ng biktimang si Leo Lazaro, 27, ng Pandacan, Maynila, na muling i-autopsy ang labi nito sa hinalang ang kanyang pagsasanay ang dahilan ng kanyang pagkamatay sa nakita mga pasa sa katawan nito.
Nauna nang inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na bangungot ang ikinamatay ni Lazaro subalit hindi kumbinsido ang kaanak nito.
Nilinaw din ng MIAA na hindi sila nagsasagawa ng marahas na training sa mga nais maging kasapi ng Airport Police Department (APD) kung saan si Lazaro ay kabilang sa Batch 14. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment