ISINAILALIM sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office ang dalawang 14-anyos na babae matapos maaresto at mahulihan ng 200 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs (MPD-DAID) sa Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ni C/Insp. Glenn Gonzales, hepe ng DAID, nailipat na sa tanggapan ng Manila Department Social Welfare ang dalawang menor-de-edad na itinago sa pangalang “Gina” at “Mina” na umano’y magkapatid sa ina at kapwa ng Islamic Center, Quiapo, Maynila, para ipagharap ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 sections 5 (delivery) 11 (possession) ng Article 2.
Nang matunugan ng mga awtoridad ang pagdadala ng dalawa ng shabu ay agad na plinano ang operasyon.
Nagpanggap naman na poseur buyer ang isang pulis at dumating sa pinagkasunduang lugar sa panulukan ng España Blvd., panulukan ng V. Cruz, sa Sampaloc.
Nang iabot ang dalang droga ay agad silang inaresto ng mga awtoridad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment