Tuesday, December 2, 2014

Jinggoy nababahala sa pagkakabasura ng bail petition ni Revilla

NAG-AALALA ngayon si Sen. Jinggoy Estrada na magkaroon ng epekto sa kanyang kaso ang pagbasura ng bail petition ni Sen. Bong Revilla sa Sandiganbayan 1st division.


Ayon kay Estrada, magkapareho ng argumento ang kanilang mga kaso ngunit sana’y tingnan ng mga mahistrado ang bawat punto at pagpasyahan ito sa hiwalay na merito.


Magugunitang maliban kay Revilla ay ibinasura rin ang kahilingan nina Janet Lim-Napoles at Atty. Richard Cambe.


Dahil dito, mananatiling nakakulong ang mga akusado sa pork barrel fund scam. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Jinggoy nababahala sa pagkakabasura ng bail petition ni Revilla


No comments:

Post a Comment