MALABO na umano ang tyansa na mahanap na buhay ang mga tripulanteng lulan ng barkong Oriong 501 habang nagpapatuloy ang searh and rescue operations.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Charles Jose, batay sa report ng Philippine embassy sa Moscow, sa ngayon ay nananatiling missing pa rin ang 10 Pilipino na kasama sa 54 na katao na lulan ng lumubog na South Korean fishing vessel sa western Bering Sea.
Sa huling tala ng mga awtoridad, nasa tatlong Pilipino, isang Russian official, isang Korean crewmember at tatlong Indonesian pa lamang ang kanilang nare-rescue.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Philippine embassy sa Russia at South Korea para kilalanin ang 13 Filipino crew.
Nangako na rin si South Korean Prime Minister Chung Hong-won na makikipag-ugnayan sila sa gobyerno ng Russia para mapabilis ang rescue efforts.
Pahirapan pa rin hanggang sa ngayon ang search and rescue dahil sa hindi magandang weather at water conditions.
Maalalang aabot lahat sa 62 katao ang lulan ng barko kabilang na ang 35 Indonesians, 13 Filipinos, 11 South Koreans at isang Russian inspector.
Napag-alamang si Kim Kang-ho mula sa Sajo Industries, isang canned tuna company ang nagmamay-ari sa 2,000-ton vessel 501 Oriong.
Ang fishing vessel ay naglayag mula sa Busan, South Korea, noong Hulyo 10 patungong Bering Sea para manghuli ng isdang pollock, isang winter delicacy sa South Korea. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment