Monday, December 1, 2014

‘Hagupit’, babayuhin ang bansa sa Huwebes

INAASAHANG papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Huwebes ang isang cyclone na may international name na “Hagupit” na patuloy na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nasa Pacific Ocean.


Gayunman, ayon sa PAGASA, maliit lamang ang tyansa nitong maging bagyo na papangalanang “Ruby” sa oras na pumasok na sa bansa.


Si Hagupit ay kasalukuyang may lakas ng hanging aabot sa 80 kph at may bilis na 25 kph.


Tinatahak nito ang direksyong kanluran hilagang-kanluran na may layong 3,000 km. sa silangan ng Mindanao.


Samantala, ang Cagayan Valley at ang mga lalawigan ng Apayao at Ilocos Norte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan.


Ang Gitnang Luzon at ang nalalabing bahagi ng Cordillera at rehiyon ng Ilocos ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa kung minsan ay maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan.


Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.


Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa Luzon at sa silangang bahagi ng Kabisayaan at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito’y magiging katamtaman hanggang sa maalon.


Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamamtaman mula sa hilagang-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Hagupit’, babayuhin ang bansa sa Huwebes


No comments:

Post a Comment