Monday, December 1, 2014

Bus vs patrol car, 4 parak sugatan

APAT na pulis ang nasugatan makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang patrol vehicle sa isang bus sa Bgy. Apolonio Samson, EDSA, Quezon City kaninang alas-3:00 ng madaling-araw.


Agad namang isinugod sa Chinese General Hospital (CGH) ang mga sugatang pulis na wala pang pagkakakilanlan.


Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property ang bus driver na hindi pa rin batid ang pangalan.


Nabatid na umamin ang akusadong driver na inaantok siya habang nagmamaneho nang maganap ang aksidente. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bus vs patrol car, 4 parak sugatan


No comments:

Post a Comment