NAIBALIK na muli ang mga privileges nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jinggoy Estrada bilang senador matapos mapagsilbihan ang 90-araw na suspension order na ipinataw ng Sandiganabayan bunsod ng kinakaharap ng kasong plunder kaugnay ng pagkakasangkot sa kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel scam.
Nabatid na nagtapos ang suspension order laban kay Enrile noong nakalipas na Nobyembre 28, habang Nobyembre 29 naman kay Estrada.
Gayunman, mananatili pa rin nakakulong ang dalawa sa PNP custodial center sa Kampo Crame.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, pwede na muling maghain ng panukalang batas at resolusyon sina Enrile na tumanggap ng kanilang sahod bilang senador ngayong lifted na ang kanilang suspension order.
Sa ngayon ay tanging si Sen. Ramon Revilla na lamang ang kasalukuyang nakasuspende hangga’t mapagsilbihan ang 90-day suspension order hanggang sa Enero ng susunod na taon. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment