Wednesday, December 3, 2014

Paglipat kay Revilla sa regular na kulungan, muling hiniling

MULING hiniling ng prosekusyon na mailipat sa regular na piitan ang isa sa mga binansagang pork barrel scam senator na si Bong Revilla.


Ito’y matapos ibasura ng Sandiganbayan 1st Division ang hiling na piyansa ng mambabatas sa kasong plunder.


Ayon kay prosecution team head Joefferson Toribio, itutuloy nila ang kahilingang mailipat sa isang piitan na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Revilla, gayundin ang isa pang akusadong si Richard Cambe, bagama’t una na itong ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa kawalan ng merito.


Kasalukuyang nakakulong ang senador sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.


Dagdag ni Toribio, sisikapin din nilang mapagbigyan ang hirit na garnishment o pagsamsam sa mga ari-arian ni Revilla. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Paglipat kay Revilla sa regular na kulungan, muling hiniling


No comments:

Post a Comment