INILATAG na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga Christmas loop kapalit ng mabuhay o Christmas lane bilang paghahanda sa inaasahang matinding traffic sa holiday season.
Layon ng mga Christmas loop na maibsan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo sa mga kalsadang malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, karagdagang express lane ang itatalaga sa oras na matanggap nila ang report mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa status ng mga road repair project.
Ang mga alternatibong ruta ang mismong mga kalsadang binuksan ng MMDA noong Undas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment