SA ating iniulat na talamak na sugal sa Quezon City, partikular ang naglipanang Video-Karera (VK) machines, may mga texter na nagpahayag ng iba’t ibang pananaw.
Narito ang ilan sa mensaheng natanggap natin. “Oks lang na kumita sa sugal ang tanggapan ni Col. Pagdilao, ang mahalaga nagtatrabaho at maraming accomplishment! ‘Di naman sigurado kung nakararating nga kay kernel ang “kita” mula sa iligal na sugal! Baka hindi alam ni Pagdilao na talamak na ang VK sa Kyusi, abala kasi siya sa malalaking krimen!”
Balewala ang kanyang accomplishments kung tumatanggap pala siya ng lagay mula sa operators ng VK! Hmmm, ano ang masasabi mo rito, QCPD Director Senior Supt. Joel Pagdilao?
Heto po, Col., ang dalawang matitikas na VK operator. Mula Project 1-6 ay kontrolado ni Jojo Cendeno at sa ibang bahagi naman ng Kyusi ay nakalatag din ang mga makina ni RR alyas Manang!
Ano ang gagawin mo, Col. Pagdilao, sir?
-o0o-
Salimbayan sa social networking sites ang mga opinion kaugnay sa insidente kung saan ang traffic enforcer na si Jorbe Adriatico ay sinuntok, kinaladkad at tinakbuhan ng isang mayaman na nagmamaneho ng mamahaling sports car na Maserati.
Pagkaraan ng isang araw ay lumutang ang mayamang si Joseph Russel Ingco at nagpahayag na kesyo siya ang unang kinuwelyuhan at kinuhanan ng video ni Adriatico.
Sa isyung ito parekoy, anoman ang maaaring linubid na kasinungalingan na ipresenta ni Ingco ay hindi pa rin kayang pasubalian ang kanyang pananakit kay Adriatico, paglapastangan sa otoridad at paglabag sa batas trapiko!
Na sa ating pananaw ay bunsod ng masyadong mataas na respeto, pagdakila at pagpapahalaga ni Ingco sa kanyang kayamanan. Na hindi siya maaaring pahintuin at kuhanan ng video ng isang ordinaryong traffic enforcer!
King-ina! Pakisuriin mo nga muna, BIR Comm. Kim Henares, kung ibinayad ba ni Ingco ng tamang buwis ang kanyang kayamanan!
Sa kabilang banda, maliban kay Ingco ay may mga insidente pa palang naganap kung saan itong si Adriatico ay nasangkot sa pakikipagsigawan sa mga motorista!
Palagi na lang ba si Adriatico ang tama o biktima sa mga pangyayaring ito, ha, Chairman Tolentino? Baka habang kinokondena natin ang driver ng Maserati, eh, ito namang tauhan mo ay nahihirati na!
Ibig-sabihin ay nakasanayan na niya ang umasta sa kalsada na akala mo ay siya na ang hari! Na lahat na lang ay kaya niyang sigawan at i-bully!
Papagpahingahin mo na muna ang bata mong ‘yan!
Baka sa susunod ay matuluyan na ‘yan! BURDADO/JUN BRIONES
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment