Friday, December 26, 2014

Bangkay ng sanggol, nakita sa basurahan

NATAGPUAN ng mga bata ang isang patay na bagong silang na sanggol sa basurahan sa San Isidro City.


Kaugnay nito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nagtapon ng sanggol na babae na pinaniniwalaang kasisilang pa lamang.


Nabatid na natagpuan ng mga bata na nakabalot ng cellophane sa basurahan ang sanggol sa Upper Guinto, San Isidro sa lungsod.


Sa pag-aakalang pagkain ang laman ng cellophane, kanila umano itong binuksan at nabigla na lang nang makitang sanggol ang laman nito.


Kaagad naman nilang ini-report sa mga awtoridad at agad dinala sa punerarya ang sanggol upang mabigyan ng desenteng libing.


Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang ina nang naturang bata at kung ano ang dahilan nito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay ng sanggol, nakita sa basurahan


No comments:

Post a Comment