NABITIN ang apat na Pinoy woodpushers sa katatapos na PSC/Puregold International Chess Challenge Open Section na ginanap sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.
Pinayuko ni Filipino IM Haridas Pascua si IM Jan Emmanuel Garcia sa 10th at final round upang ilista ang 6.5 points subalit hindi sumapat para masungkit ang asam na titulo.
Kaparehong puntos ni Pascua (elo 2404) sina Pinoy GMs Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez at 12-time National Champion Rogelio “Joey” Antonio na magkakasalo sa third to ninth place sa event na ipinatupad ang 10 rounds swiss system.
Humirit ng draw si Gomez (elo 2510) kay IM Narayanan Sunilduth (elo 2437) ng India habang nagkasundo sa draw sina Antonio (elo 2503) at Sadorra (elo 2575).
Nakopo ni ranked No. 2 at super GM Anton Demchenko (elo 2611) ng Russia ang titulo na may walong puntos matapos pisakin ang Pinoy na si GM Darwin Laylo (elo 2500).
Solo naman sa segundo puwesto ang isa pang Russian super GM at top seed na si Ivan Popov (elo 2622) tangan ang 7.5 pts. matapos makipaghatian ng puntos kay GM Merab Gagunashvili (elo 2579) ng Georgia.
Napako sa anim na puntos si Laylo kaya lumanding ito sa pang-10 puwesto habang si IM Oliver Dimakiling na kapareho ng puntos ng una ay naupuan ang 11th place.
Kinaldag ni Dimakiling (elo 2373) si IM Steven Kim Yap (elo 2416).
Sa Challenger Section, sinugkit ni Kevin Mirano ang titulo ng mauwi sa draw ang laban niya sa last round kontra kay Walt Allen Talan.
May nalikom na 8.5 points ang No. 9 seed Mirano sapat para ibulsa ang $700.00 top purse.
Nagkaroon ng four-way tie sa second to fifth place subalit pagkatapos ipatupad ang tie-break points ay hinirang na pangalawa si Kelly Rancap, pangatlo si Talan at fourth at fifth place sina Rhenzi Kyle Sevillano at Antonio Chavez ayon sa pagkakasunod.
Tabla ang resulta ng huling laro ni Rancap kay Mark Prince Aquino habang kinaldag nina Chavez at Sevillano sina Melwyn Kenneth Baltazar at Christy Lamiel Bernales. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment