Tuesday, December 2, 2014

Balikbayan box tracker, ikinasa ng BoC

MADE-DETECT na ngayon ang status ng ipinadalang balikbayan box, sa pamamagitan ng tracker sa website ng Bureau of Customs (BOC).


Ayon kay Customs Commissioner John Philip Sevilla, wala sa kamay ng Customs ang posibleng pagkakaantala ng mga shipment, at kung sila ang magiging dahilan ng pagkaantala, nais nilang ipaalam na hindi sila magtatago.


Para makita ang status ng kargamento, maaaring pumunta sa website ng BoC na www.customs.gov.ph.


Ilagay ang mga kinakailangang impormasyon katulad ng pangalan ng foreign o kaya’y local forwarder at ang bill of landing number ng kargamento. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Balikbayan box tracker, ikinasa ng BoC


No comments:

Post a Comment