Tuesday, December 2, 2014

Arab businessmen, maglalaan ng $110M para sa Pacquiao-Mayweather fight

MAGLALAAN umano ang isang investment group mula sa United Arab Emirates (UAE) ng $110-million matuloy lang ang superfight nina Floyd Mayweather, Jr. at Manny Pacquiao.


Ang naturang ulat ay kinumpirma ni Boxing Executive M. Akbar Muhammad, isa sa mga principals ng nabanggit na grupo.


Ayon kay Muhammad, $110-million ay bahagi lamang ng kabuuang premyo dahil posibleng pumalo ito ng hanggang $200-million.


Lalong lumakas ang panawagang ituloy ang bakbakan nina Pacquiao at Mayweather matapos pataubin ng Pambansang Kamao si Chris Algieri sa Macau noong Nobyembre 23. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Arab businessmen, maglalaan ng $110M para sa Pacquiao-Mayweather fight


No comments:

Post a Comment