HAHAGUPIT ang bagong bagyong Ruby sakaling pumasok bukas sa Philippine area of responsibility (PAR).
Sa ngayon, lumakas pa ang bagyo na may international name na “Hagupit” na nasa layong 1,670 kilometro silangan ng Mindanao.
Sa huling pagtaya ng PAGASA, taglay nito ang lakas ng hangin na 130 kph at pagbugso na 160 kph pa-kanluran sa bilis na 30 kph.
Asahang papasok ito bukas ng tanghali o hapon.
Una ng sinabi ng state weather bureau na PAGASA na dalawa ang posibleng maging scenario para sa naturang bagyo.
Ang una’y ang posibleng pagtama nito sa Eastern Visayas, habang ang ikalawa ay ang pagtaas nito patungo sa Japan.
Ang Eastern Visayas ay una nang sinalanta ng supertyphoon Yolanda noong Nobyembre ng taong 2013. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment