Monday, December 1, 2014

VK NAGLIPANA SA KYUSI AT ANG PRAMIS NI DE LIMA

MAGANDA ang ipinakikitang sigasig ni QCPD Director Senior Supt. Joel Pagdilao sa pagsugpo sa kriminalidad sa Quezon City.


Katunayan, sunod-sunod ang kanilang accomplishment kontra sa iligal na droga, wanted persons, atbp. Pero ang ipinagtataka natin, parekoy, mukhang wala man lang sinasampulan si Col. Pagdilao pagdating sa iligal na sugal, lalo na ang mga video-karera (VK) dahil kalimitan ay mga menor-de-edad ang nalululong sa bisyong ito.


Ayon sa ating tawiwit, “plantsado” na umano ito sa tagatanggap, este, tanggapan ni Dir. Pagdilao dahil habang nagpapapogi ito sa pamamagitan ng ilang accomplishment ay panay kabig naman mula sa sugal.


Ang balitang ito, parekoy, ay hindi natin agad pinaniniwalaan, nagtataka lang tayo kung bakit mukhang largado na nga ang VK machines sa buong Quezon City!


Heto po, Col., ang dalawang matitikas daw sa iyo na VK operators. Mula Project 1-6 ay kontrolado ni Jojo Cendeno at sa ibang bahagi naman ng Kyusi ay nakalatag din ang mga makina ni RR alyas Manang!


Sige nga, kernel, isang sampol nga! ‘Yan ay kung hindi totoo na “plantsado” na sa opisina mo sina Manang at Jojo Cendeno!


-o0o-


Sa nakaraang paggunita sa ikalimang taon ng Maguindanao Massacre ay mariing pagkondena ang inabot ng pamahalaan ni PNoy dahil sa hindi man lang halos umuusad ang kaso.


Ibig kong sabihin, parekoy, kalahating dekada na ang matuling lumipas pero hanggang ngayon ay wala pang nahahatulan man lang sa mga halimaw na Ampatuan!


Pero nagulat tayo, parekoy, nang biglang mangako itong si DOJ Sec. Leila de Lima na kesyo ay may mahahatulan na bago matapos ang 2016! Anooo?


Kung tutuusin, parekoy, ay napakagandang pakinggan nitong pramis ni De Lima dahil sa wakas ay mabibigyan na rin ng hustisya ang kamatayan ng sandamakmak na mamamahayag na sabayang tinigbak ng mga hijo de-putang Ampatuan!


Ang hindi lang natin maunawaan na sa kabila ng wala namang konkretong hakbang ang Prosecution na nasa ilalim ni De Lima ay ang lakas pa ng loob nito na mangako ng conviction ng mga salarin bago matapos ang 2016!


Opps, sandali, parekoy, ito palang si Sec. De Lima ay kakandidatong senador sa Mayo 2016 sa ilalim ng line-up ng Liberal Party. Derpor, kung mabobola nga naman niya ang sambayanan na mako-convict ang mga Ampatuan bago matapos ang 2016, eh ‘di, ihahalal siyang senador sa Mayo 2016!


King-ina, hindi na nga nabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng nasabing massacre, eh, bobolahin pa tayo ni De Lima! Pwe! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



VK NAGLIPANA SA KYUSI AT ANG PRAMIS NI DE LIMA


No comments:

Post a Comment