DOUBLE program ang palabas sa sinehan ngayon sa Senate Blue Ribbon Committee.
Kahapon, Lunes, Dec. 1, ang nakatakdang hearing sa Malampaya scam. Sa unang linggo naman ng January ay malamang na ituloy na ang pagdinig sa Makati parking building at iba pang mga sinasabing katiwalian sangkot si Vice-President Jojo Binay sampu ng kanyang immediate family.
May added attraction pa na naghihintay sa mga manonood ng sinehang blue ribbon committee. Nakapila rito ang pagdinig sa mga kaso ni Gen. Alan Purisima, hepe ng national police at ni Health Secretary Enrique Ona ng Department of Health.
At may extra pang attraction, ang imbestigasyon ng Iloilo convention center na bida naman si Senadora Nancy Binay na ang mga sinasabing mga contrabida ay sina Senate President Franklin Drilon, Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr. at Public Works Secretary Rogelio Singson.
Bagama’t ang unang ipalalabas sa sinehang ito ay ang Malampaya scam starring Janet Napoles, ang inaasahang block buster ay ang Binay anomalya na tinatanggi naman ni Bise Presidente.
Inaasahang babalik na sa bansa si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado upang magpasabog pa ng mga bomba laban sa dati niyang kumpadre na si Jojo Binay pagkagalling niya sa America.
Kung ang pag-uusapan ay ang mga blockbuster, malamang na second placer lang ang Malampaya scam maliban na lang kung masangkot din dito ang mga kapanalig ni Pangulong Noynoy Aquino.
Si Enrique Ona, secretary on-leave, ay malamang na tuluyan nang mag-resign “irrevocably” dahil sa pagkakadawit niya sa bakuna. Si Alan Purisima naman ay tuluyan nang ma-pronounce na not guilty sa kaso rin ng graft and corruption.
Puno ng suspense ang mga pelikula sa Senado, pero ingat lang kayong mga kababayan. May pakulo rin sa House of Representatives at ito ang pagbabago ng ating Constitution. Totoo bang ayaw na ni Noynoy ng second term o kaya ay term extension? DEEP FRIED/RAUL VALINO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment