FORMER Miss Universe 3rd Runner-up and “Business Flight” co-host, Venus Raj is all set to conquer the Music Museum as she stage her first ever benefit concert aptly titled “Hotspot” come December 4.
Ito’y proyekto ng Mercator Artist and Model Management, headed by Jonas Gaffud, and “PBB” grand winner Daniel Matsunaga para sa kanyang football program.
Venus will appear on the stage along with Mercator ‘babies’ namely: Ken Alfonso, Benjamin Alves, Queenie Rehman, Ariella Arida, Fabio Ide, Shamsey Supsup and Daniel himself.
Venus will surely delight the crowd as she tries a new career in singing. In all fairness, may boses ang Bicolana beauty, huh?
Venus and Ken had been doing covers na uploaded sa social media at talaga namang umaani ito ng ‘sangkaterbang hits. Ken is no doubt a singer but you’ll be surprised to hear Venus sing. Akala nami’y sa rampahan lang magaling ang former Bb. Pilipinas pero mahusay din pala siyang kumanta.
Sa ngayon, aside from co-hosting “Business Flight” with businesswoman Cristina Decena, busy din si Venus sa kanyang balik-campus activity sa UP Diliman para sa kanyang masteral degree in community service. She’s now on her second year.
Sa hectic ng kanyang schedule, Venus in an interview by some entertainment press admitted that she has no time for love at the moment. Meaning, zero lovelife raw ang morenang TV host. After a heartfelt separation from Andrei Felix more than a year ago, pahinga raw muna ang kanyang puso sa mga manliligaw.
By the way, “Business Flight” is being aired over GMA News TV, Saturday at 11:30 in the morning; and tickets to the “Hotspot” benefit concert are now available at Ticketnet and Music Museum box-office.
*****
BIANCA KING, MAY TAMPO SA GMA 7?
Sampung taon ding exclusive contract star ng GMA si Bianca King pero nitong January this year, laking gulat daw niya nang hindi na siya ni-renew ng management.
She thought, all is well between her and GMA dahil ipinahiram pa siya ng network sa TV5 to do “Obsession.” Pagkatapos ng taping ng buong season, Bianca took a vacation sa Amerika. Pagbalik niya from her short respite in May, nagulat na lang siya sa balitang GMA management did not renew her contract.
Ang naging reaksyon niya, “Syempre nu’ng una, nabigla ako. Kasi pag-uwi ko from the States, nu’n ko pa lang nalaman na, ‘Ay, hindi na pala ako ni-renew. So, syempre, for about a one month, malungkot talaga.
Dagdag ng aktres, “Naging open naman ako sa mga friends ko, sa mga tao, na parang I felt like… parang naramdaman ko na malungkot kasi hindi ako nakausap nang maayos, parang nalaman ko na lang sa manager ko (she’s under Primeline of Ronnie at Ida Henares).
“Parang I felt like unceremoniously biglang wala na, ‘yung ganu’n,” malungkot na pahayag niya nang makausap namin sa Nomama Restaurant sa Pasig City.
Para kay Bianca, blessing in disguise na rin ang hindi pagkaka-renew ng kontrata niya sa Kapuso network.
“So, parang kinuha ko rin ‘yung pagkakataon na iyon para i-explore ‘yung ibang bagay na gusto kong gawin. Kasi, for the first time in ten years, ngayon lang ako hindi natali ulit sa network. So now, hindi ko na kailangang magpaalam,” tinuran ng magandang dilag.
Sa ngayon, natutuwa si Bianca dahil nagsimula nang umere sa primetime ng TV5 ang “Wattpad Presents: His Secretary” with James John Uy.
“Sobrang swerte ko na napakaganda ng mga ibinibigay sa aking roles ng TV5. Eleven years na akong artista, so alam ko na ‘yung mga pasikut-sikot sa showbiz,” masayang kwento ni Bianca.
Inihayag na rin ng dalaga that she’ll be doing a primetime soap titled “Mac & Chiz” with “The Amazing Race Philippines” host, Derek Ramsay and Empoy, at nakatakdang ipalabas sa unang buwan ng taong 2015.
*****
For more showbiz updates, please follow us on Twitter and Instagram at @whalesharkph. STAR FRAME/LITO T. MAÑAGO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment