Friday, December 26, 2014

TRANSGENDER, ILILIPAT SA LIBINGAN NG MGA BAYANI

NOONG araw ng Pasko ay naging viral sa social media ang kahilingan daw ng ilang grupo na ilipat ng libingan itong si Jennifer Laude, ang sinasabing 26-anyos na transgender na pinatay sa Olongapo City noong nakalipas na Oktubre 11, 2014.


Wala naman sanang problema kung ilipat ito sa ibang sementeryo.


Kaya lang ang nakagugulat ay gusto raw ng nasabing grupo na ilipat itong sa Laude sa Libingan ng mga Bayani.


o0o


Marami ang nagtaas ng kilay at halos lahat ng mga komento sa social media ay ayaw pumayag na ilipat sa Libingan ng mga Bayani itong si Laude dahil wala naman daw itong nagawang maganda sa bayan.


Sabagay nga naman may katwiran sila.


Kung si dating Pangulong Ferdinand Marcos nga naman, eh, ayaw payagan ng gobyernong Aquino na mailibing sa Libingan ng mga Bayani gayong napakarami nitong nagawang kabutihan sa ating bayan tapos itong si Laude pa ipalilibing sa Libingan ng mga Bayani?


o0o


At kung sakaling payagan ng ating gobyerno na mailipat nga sa Libingan ng mga Bayani itong si Laude, hindi kaya tayo pagtawanan ng ibang lahi o bansa?


Irespeto pa kaya nila ang ating mga kababayang OFW o baka lalo lang nilang kutyain?


Sinasabing gumagawa raw ngayon ng paraan ang malaking grupo ng LGBT para matupad ang kanilang misyon na mailipat ng libingan itong si Laude sa Libingan ng mga Bayani dahil daw sa kabayanihang nagawa nito nang magbuwis ng kanyang buhay.


o0o


Ayon sa ilang komento ng ating mga kababayan, bago tawaging bayani ang isang Filipino ay kailangang may nagawa itong mabuti sa bayan.


Kung hindi naman ay nagbuwis ito ng buhay pa sa kanyang ipinaglalaban para sa bayan at hindi ‘yung sa paraang ginawa ni Laude kaya ito pinatay.


At kung sakaling matupad ng LGBT ang kanilang misyon ay sigurado akong unang-una nang magre-react ang simbahang Katoliko.


At sigurado na sasakyan ito ng ilan sa ating mga politiko na wala ng ginawa kundi ang sumakay ng sumakay sa mga isyu na wala namang katuturan para lang sila makilala at makakuha ng boto sa mga tangang botante.


Masakit pong tanggapin pero ‘yan po ang katotohanan.


o0o


Sa halos 100 katao na nakausap at nahingian ko ng opinion sa nasabing isyu, ni isa sa kanila ay walang sumang-ayon na ilipat sa Libingan ng mga Bayani si Laude dahil ayon na rin sa kanila hindi ito isang bayani.


Kung tutuusin pa nga raw ay nagdala pa ito ng kahihiyan sa ating bansa.


At kung sakali mang magkatotoo ito hindi kaya mag-rally at magprotesta ang mga kaluluwa ng mga sundalong nakalibing sa Libingan ng mga Bayani?


At ano ang magiging saloobin ng mga Marcos Loyalist at ng pamilya ng dating Pangulo?


Well, tingnan na lang po natin kung ano ang kahihinatnan nito, kung papayagan ng gobyernong Aquino na mailipat sa Libingan ng mga Bayani itong si Laude o hindi.


o0o

Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09184177565. LILY’S FILES/LILY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



TRANSGENDER, ILILIPAT SA LIBINGAN NG MGA BAYANI


No comments:

Post a Comment