PATAY sa nag-amok na lalaki ang mismong ina nito at pamangkin habang dalawa pang pamangkin ang sugatan noong araw ng Pasko sa Mambusao, Capiz.
Sa ulat ng isang Iloilo-based news site na Daily Guardian ngayong Sabado, gumamit ang suspek na kinilalang si Charlie Delicano ng bolo na pinangtaga sa kanyang ina na si Amanda at 4-anyos na pamangkin na si Ronnie.
Habang sugatan ang dalawa pa nitong pamangkin na si Hanacer, 9, at Rezalene, 3.
Nag-amok ang suspek bandang alas-3:00 ng madaling-araw matapos umatake ang kanyang nervous breakdown at naaresto naman ng awtoridad matapos ang insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon, kinuha ng suspek ang bolo at tinaga si Ronnie sa ulo at sinunod si Hanacer na tinaga rin sa ulo
Nang magising si Amanda ay tinangka nitong pakalmahin ang anak ngunit tinaga rin ito ng suspek sa kamay.
Agad na tumawag sa pulisya ang mga kapitbahay kung kaya naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot nang buhay si Amanda at Ronnie dahil sa dami ng dugong nawala sa kanila. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment