Friday, December 26, 2014

TAMA SI SAGUISAG, PERO

SUMUNTOK ang dating cabinet secretary ni Tita Cory at dati ring Senador Rene Saguisag. Ang kamao niya ay patumbok kay 8-Division World Champion Congressman Emmanuel Pacquiao, Sr. aka Pacman.


Ang suntok ay para pagbitiwin si Pacquiao sa Kamara de Representantes bilang mambabatas ng Saranggani.


Uppercut pa na “Pacquiao is diluting the Congress” dahil daw sa dami ng absences. Left hook pa ni Saguisag, magboksing na lang si Manny.


Tama si Saguisag. Iyan ay sa unang tingin. I just hope it is not true that he was instructed by the Liberal Party camp to attack and destroy the yellow party opposition come May 2016 national election. But hitting below the belt may technically disqualify Rene Saguisag’s call.


Per house record, hindi si Cong. Manny ang number one sa absences.


Mali nga rin na ilagay na zero attendance si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) dahil gusto man niyang dumalo, ayaw pumayag ng kanyang dating estudyante – si Benigno Simeon Cojuang co Aquino!


May ilan ngang kongresista ang almost perfect sa attendance sa Kongreso, pero tanungin mo naman kung ano na ang nagawa nilang matino para sa bayan?


Alam ng mga mamamayan, karamihan sa mga kongresista, lalo na ang mga kaalyado ng Pangulo, ay puro paghingi lang ng grasya at biyaya ang inaasikaso nila!


And for you, Ka Rene, I am not defending Manny Pacquiao regarding his numerous absences. First, I have never met him in person nor talked to him through any communication gadget. My point is simple for righteous reason. Why single out the “Peoples Champ?”


At least, in few occasions, he stood up in the plenary and made statements and deliberations based on issues tackled during the session.


‘Yung iba, yung maraming kagalang-galang na nagsipagtapos pa mandin ng abogasya rito at sa labas ng bansa, wala! Puro look up, look up ang ginagawa sa session hall!


Kahit papaano rin ay “nasabit” siya sa ilang panukala na ngayon ay batas unlike your friend Noynoy Aquino na ni walang ginawa in both houses of Congress – the Senate and the House of Representatives.


I know for a fact, may gusto na labanan si Pacman sa Saranggani. May takot din ang ilang sipsip sa Malacañang baka tumakbo nga ito sa mas mataas na puwesto kaya dapat ay pigilan na kaagad nila.


Tama na, Ka Rene. Huwag ka magpagamit sa dilawang puwersa na inutil sa pamamahala. Tama ka, maraming pagliban si Pacquiao pero i-check mong mabuti, mga kaalyado ng Aquino, nawawala parati! BALETODO/ED VERZOLA


.. Continue: Remate.ph (source)



TAMA SI SAGUISAG, PERO


No comments:

Post a Comment