NAKALUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa sa kongreso ang batas na naglalayong maipagpaliban ang Sangguniang Kabataan (SK) elections at maisabay sa halalang pambarangay sa October 31, 2016.
NASA 193 mambabatas ang bumoto sa House Bill 5209, habang walo ang kumontra dito.
Sa ilalim ng naturang panukala, ang SK elections na orihinal na itinakda noong October 28, 2013 ay idaraos sa huling Lunes ng October 2016.
Matatandaang ni-reset ng Commission on Elections (Comelec) ang SK elections sa February 21, 2015 matapos lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Republic Act 10632. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment