HUMIRIT ang kampo ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan na payagan itong makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ngayong Kapaskuhan.
Batay sa inihaing mosyon ng mga abogado ni Ginang Arroyo, 12 araw ang kanilang hiningi para sa dating Pangulo para makapagdiwang ng Pasko sa kanilang tahanan sa La Vista, lungsod ng Quezon.
Magsisimula ang Christmas furlough sa Disyembre 23 ngayong taon hanggang sa Enero 3 ng susunod na taon.
Binigyang-diin din ng mga abogado ni Ginang Arroyo na sasagutin nito ang lahat ng gastusin para sa ibibigay sa kanyang seguridad ng mga tauhan ng PNP police security and protection group sa panahon na nasa labas ito ng VMMC. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment