NABUKO ang ginagawang panghahalay ng isang lalaki matapos mabuntis ang pinaparausang hipag sa Caloocan City.
Nakilala ang suspek na si Ernesto Rojan, nasa hustong gulang, ng C-3 Bgy. 28 ng lungsod.
Sa pahayag ng biktimang edad 18 ng nasabing lugar, nagsimula ang panghahalay sa kanya ng bayaw noong nakalipas na Mayo habang wala ang kanyang ate na asawa ng una sa loob ng kanilang bahay.
Hindi nagawang makapagsumbong ng dalaga dahil sa takot sa bayaw hanggang sa mapansin ng mga kasama sa bahay na tila nagdadalantao ang dalaga dahilan upang ipatingin sa doktor hanggang sa malamang dalawang buwan na itong buntis.
Dahil dito, kinompronta ang biktima hanggang sa aminin na ginagalaw siya ng bayaw na naging dahilan naman para ipadakip ang suspek bago dalhin sa presinto alas-7 kagabi. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment