ISANG ladyguard ang maswerteng nakakuha ng jackpot prize sa 6/42 lotto draw nitong nakaraang Nobyembre 27.
Ang hindi pinangalanang bagong milyonaryo ay may edad na 40-anyos na taga-Pasay City.
Natumbok ng ginang ang winning combination na 14-19-23-29-30-34 at mismong si PCSO General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II ang nag-abot ng tumataginting na P19,531,284.00 sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Sinabi ng ginang na nagsimula siyang tumaya sa Lotto noon pang 1996 at masayang-masaya ito ang nagbunga na ang kanyang pagtitiyaga sa pagtaya.
Aniya, gagamitin niya ang kanyang napanalunan sa pag-invest sa negosyo, pagpapa-aral sa kanyang tatlong anak, pagbili ng bahay at lupa at pagdo-donate sa simbahan. GILBERT MENDIOLA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment