TINIYAK ng mga gang lider sa loob ng Bilibid na kanilang isusuko ang mga kontrabandong nasa kanilang hanay sa loob ng tatlong araw.
Ito’y makaraang masamsam ng mga awtoridad ang ilang granada at matataas na kalibre ng baril sa building 5-C sa maximum security compound ng NBP kamakailan.
Ayon sa bagong talagang pinuno ng Bilibid na si Supt. Richard Schwarzkopf, kanyang binigyan ng pagkakataon ang mga gang sa loob ng Bilibid upang kusang loob na isuko ang mga kontrabandong nasa kanilang pag-iingat.
Tiniyak din ng opisyal na magtutuloy-tuloy pa rin ang kanilang isasagawang mga operasyon kapag patuloy na mabibigo ang mga gang na gawin ang kanilang mga pangako. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment