Tuesday, December 23, 2014

Araw-araw na inspeksyon, inilarga sa Bilibid

INILARGA ng pamunuan ng National Bilibid Prison (NBP) ang araw-araw na inspeksyon sa pambansang piitan matapos ang panibagong mga na-recover na kontrabando, tulad ng shabu, granada at baril kamakalawa.


Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, bumuo na sila ng Security and Response Unit (SRU) para sa pagsamsam ng mga iligal na gamit sa loob ng piitan.


Matatandaang tatlong beses na nagkaroon ng raid sa Bilibid ngunit kada pagsalakay ay tambak ng kontrabando ang bumubulaga sa raiding team.


Noong Disyembre 15 ay sex toys, pera, cash counter, baril na nakapangalan sa mga politiko at droga.


Habang noong Disyembre 19 ay air-conditioning units ang natuklasang nakatago sa kisame.


Ang huli ay noong Lunes kung saan granada, baril at hinihinalang droga, pati na ang isang timbangan ang nakumpiska.


Ngayong araw ang deadline ni De Lima sa mga gang leader para kusang ilabas ang mga itinatagong kontrabando ng kanilang mga grupo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Araw-araw na inspeksyon, inilarga sa Bilibid


No comments:

Post a Comment