PROBLEMA sa pamilya ang umano’y nag-udyok sa isang contruction worker para magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa mataas na gusali sa Pasay.
Tumagal ng siyam na oras bago nailigtas ang construction worker na nagtangkang magpakamatay mula sa ika-pitong palapag ng ginagawang gusali ng SMDC sa Service Rd., Roxas Blvd. sa Pasay na kinilalang si Melbert Mojeres.
Biyernes ng hapon, umakyat sa gusali si Mojeres sa construction site at nagbantang tatalon para magpakamatay.
Nakipag-negosasyon ang mga kaanak at awtoridad sa construction worker hanggang sa makakuha ng tiyempo ang mga pulis at bumbero na mahatak sa ligtas na lugar si Mojeres, alas-9:30 ng gabi.
Ipasusuri sa mga doktor ang kondisyon ng construction worker na kung mapatutunayang nasa matinong pag-iisip ay posibleng sampahan ng kasong alarm and scandal. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment