Friday, December 26, 2014

4 na treasure hunters, tigok sa kuryente

MALAMIG na bangkay na nang makita ng mga awtoridad at rescue team sa lungsod ng Danao, Cebu ang bangkay ng apat na mga treasure hunters na nakuryente at nahulog sa kanilang hinuhukay sa Bgy. Maslog, lungsod ng Danao.


Kinilala ang mga biktima na sina Ernesto Ogabao, 49; Jesschristian Miguel, 21; Diomel Mayol, 19; at Amick Bunconsejo.


Ayon kay PO2 Ronald Gomez ng Danao Police Station, kahapon ng umaga nagsemento si Amick sa entrance ng hukay na may pormang square na may mga nakalagay na kahoy bilang hamba patungo sa ilalim upang hindi makapasok ang tubig-dagat sa hukay sa panahon na tumaas ito.


Napalilibutan ng mga mangroove ang hukay malapit sa baybayin at maputik pa.


Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakuryente si Amick sa linya ng water pump kaya nahulog siya sa hukay.


Nakasigaw pa ito ng tulong kaya agad namang tumulong ang tatlong kasama nito, ngunit nakuryente rin ang mga ito sa grounded na entrance ng hukay dahilan sa para mahulog sila.


Dito na nagkagulo ang mga kamag-anak at mga residente sa lugar kaya humingi na sila ng tulong sa mga awtoridad pero ‘di na nila naabutang buhay ang mga biktima.


Sinabi pa ni Gomez na naging pahirapan sa kanila ang pagkuha sa mga bangkay dahil sinasabing naaamoy nang sumisisid ang gas sa ilalim.


Sa ngayon ay nakuha na ang bangkay ni Mayol sa kamag-anak nito.


Nabatid mula sa kamag-anak ng mga biktima na magtatatlong buwan na nang magsimula ang mga ito sa kanilang ginagawang treasure hunting. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 na treasure hunters, tigok sa kuryente


No comments:

Post a Comment