TAAL na mahilig ang mga Batangueño sa sabong. Kaya nga hindi nakapagtataka na parang kabute ang cockpit arenas sa lalawigan.
Ngunit sa pagtanda ng panahon, nagbagong unti-unti ang ‘mukha’ ng sabong sa Batangas, kuwento ng isang kaibigang Batangueño.
Mula sa salpukan ng dalawang manok, nagkaroon ng iba’t ibang laro sa mga cockpit arena – isa sa tinatangkilik ay ang ‘baklay.’
Kung bakit baklay (kilala rin sa tawag na ‘sakla’) ang nakikita sa cockpits dito, ito’y dahil ang sugal na ito ay malakas na pagkakitaan.
Maliban sa iilan, ang cockpit arenas sa lalawigan ay ‘ligal’ pero ang masama, ang baklay na nilalaro sa mga ito ay isang uri ng bawal na sugal.
Ilang grupo na ang nagreklamo sa operasyon ng baklay sa mga sabungan sa area of responsibility ni Ate V., ngunit ‘di naaaksyunan.
Isa sa matagal nang inirereklamo ay ang Bauan cockpit sa Bgy. Maglinao, Bauan town na dinadayo pa ang palarong ‘baklay.’
Malinaw na iligal ang operasyon ng Bauan cockpit dahil sa larong baklay, pero bakit ‘di pinahuhuli o pinasasara ni Mayor Ryan Dolor.
Matindi rin ang operasyon ng ‘baklay’ sa JV cockpit sa Bgy. Quilib, Rosario, pero ‘di rin kumikilos si Mayor Manny Alvarez at Col. Telesforo Domingo.
Isa pang inirereklamo na nagpapalaro ng baklay ay ang Leon Force MK Force complex sa Bgy. Dos, bayan ng Mataas na Kahoy.
Ang operator ay isang ‘Aling Mavic’ na kung tawagin ay ‘baklay queen’ mula sa Tiaong, Quezon at financier ng iba pang baklay sa sakop ng R-4A.
Isang nagngangalang ‘Amber’ ang diumano’y katiwala ni Aling Mavic sa operasyon ng kanyang baklay sa Leon Force MK Force complex.
Inirereklamo rin ang tupada ng isang ‘Col. Malinao’ sa Purok 6 sa Bgy. Mabini, malapit sa Villa Marilla Subd., sa Lipa City.
Ang nabanggit na baklay dens ay ilan lang sa nag-ooperate na baklayan sa iba’t ibang lugar ng AOR ni Gov. Vilma Santos – Recto.
Ate V. pagsabihan mo lang ang PD diyan sa Batangas, tiyak na sarado ang mga baklay na ‘yan.
Abangan natin ang aksyon ni Gob. CHOKEPOINT/BONG PADUA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment