NAGKIBIT-BALIKAT lamang si Senate President Franklin Drilon sa panibagong kasong isinampa laban sa kanya ni dating Iloilo Representative Augusto ‘Buboy’ Syjuco.
Ayon kay Drilon, mahilig talagang maghain ng mga walang basehan, walang kapararakan at malisyosong kaso laban sa kanya si Syjuco.
Sa katunayan, ibinasura kamakailan ng Commission on Elections (Comelec) ang kasong vote buying na isinampa laban sa kanya ng dating mambabatas.
Giit pa ng Senate President, accounted ang lahat ng pondo na kanyang ginamit sa pagpapatayo ng mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry.
Ang tanging ang validation lamang sa liquidation ng FFCCCI ang naging isyu na lumabas sa report ng Commission on Audit (CoA). JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment