Wednesday, December 3, 2014

29 MEDIAMAN PATAY SA AQUINO ADMINISTRATION

BIGYAN po natin ng daan ang mga text ng readers ng Ultimatum.


Sa ilalim ng administrasyong Aquino, umabot na sa 29 na kasapi ng media ang napaslang. Kaya’t nararapat lang na kumilos na ang ating gobyerno rito sa walang awang pagpatay sa ating mga mamahayag. Na kabilang nga rito ay si broadcaster Doc Gerry Ortega ng Palawan na pinaslang, mahigit 2 taon na ang nakararaan. Na malalaking tao ang nasa likod ng pagkitil sa kanyang buhay, dahil sa kanyang matapang na pagbubunyag sa maanomalyang Malampaya funds. Ang mga utak sa pagpatay sa kanya ay malayang nakapuslit sa ating bansa na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kanyang kapatid na si ex-Coron Mayor Mario Reyes.


Mahigit 2 taon ng hindi pa nakakamit ng kanyang pamilya ang hustisya. Ilang personalidad pa ba ng ating media practitioner ang dapat malagas, bago kumilos ang ating pamahalaan? Bigyan naman ninyo importansya ang kanilang pagsasakripisyo para lang maihatid sa mamamayan na alay ang kanilang buhay gamit ang kanilang propesyon.


Maraming salamat po. 0932300….


DUMI NG TAO UMAAPAW


Sir benny, gud pm! grabe n tlaga 2ng MANG INASAL s tapat ng Isetann at SM Quiapo araw-araw na lang umaapaw ang dumi ng tao sa gilid nila.

Bumabaha plagi ng dumi. Sobrang nakasusuka, msakit s sikmura at npakabaho. Ang naka-park na kotse laging dinadaluyan ng 2big na me ksamang tae. Tila nagbubulag-bulagan naman ang mga namumuno sa aming Barangay 306. Pnababayaan lng nila. Mag-iisang taon na itong ganito.

Ang alam ko nakarating na ito sa Manila City Hall Sanitary Department pero hanggang ngayo’y umaapaw na naman. Pakiaksyunan naman po, sir. tnx! 0929847….


I-FILE ANG KASO SA OMBUDSMAN


Gd pm idol benny. sana ung 3 senador ay ‘wag na silang mag-imbestiga sa walang mga basehang akusasyon. I-file na lang nila sa Ombudsman ang kaso hindi puro dakdak dahil nakasasawa na silang tingnan sa TV.

Gumawa na lang sila ng batas para makatulong sa taumbayan. 0939397….


SHABU TIANGGE SA TAGUIG


Gud day po sir help may shabu, super tiangge dito po sa Kalayaan St., Ususan, Taguig City. Ginagawang front ng mga bigtime pusher ang TODA.

Gabi at araw ang bilihan ng shabu dito. Halos hindi na nagsisipag-aral ang mga kabataan dito. Wala man lang nagpapatrulyang mga pulis.

Lugmok na ang bayan namin. Buwan-buwan may patayan dito. Tulungan nyo po kaming mga senior citizen. Tnx po and God bless. 0919278….


BARATILYO SA CABANATUAN


May ipinatayo pong baratilyo sa lugar namin dito sa Cabanatuan katabi ng pamilihang bayan. ‘Di namin alam kung saan napupunta ang bayad nilang malaking halaga sa napakaliit na espasyo. Mataas na opisyal namin ang may hawak ng naturang baratilyo. Lumakas ang benta ng mga dayo na taga-baratilyo samantalang wala na halos bumibili sa aming mga orihinal na tindera rito. 0906864….


DOH PROJECT


Ka Benny, mgndang hpon. May gusto lang akong ipaalam sayo na may project ang DOH thru PCQACL. Pina-implement nila to dis Nov. 3 sa mga overseas clinic at mga supplier to think kulang ang guidelines, information n consultation. Pkiimbestigahan naman sana ito. Tiyak may mga vested interest ang may pakana nito. 0917462….


BINILING TABLET, MADALING MASIRA


Reklamo ko lang po yung bilihan ng tablet celpon dito sa SM Fairview Welcom. Yung binili kong tablet madaling nasira kaya ‘wag kayong bibili roon. 0922538….


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate. ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


.. Continue: Remate.ph (source)



29 MEDIAMAN PATAY SA AQUINO ADMINISTRATION


No comments:

Post a Comment