Thursday, December 25, 2014

Scholarship ipinagkaloob sa 85 mag-aaral ng Malabon

NAGKALOOB si Malabon City Congresswoman Jaye Lacson Noel ng scholarships sa 85 mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad sa kalakhang Maynila.


Dahil dito, nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga magulang at mag-aaral ng mga scholars kung saan may mga kursong education, nursing, engineering, political science, BSBA, accountancy, physical theraphy, pharmacy at iba pang mga kurso kung saan nakapag-enroll ang mga ito sa MCU, UE, Fatima University, TIP, PUP, TIP, STI at iba pang unibersidad sa NCR.


Tumanggap ang nasabing estudyante ng halagang P3,000 hanggang P6,000 depende sa kursong kinukuha ng mga mag-aaral ang iginawad ni Cong. Jaye Lacson upang makatulong sa pag-aaral ng mga karapat-dapat na estudyante na gustong makatapos ng pag-aaral subalit salat sa pinansyal na aspeto.


Samantala, matagumpay na idinaos noong kamakailan ang oathtaking ng Kayang Kaya ni Misis (KKM) na itinatag nito bago pa lamang ito pumaimbulog sa pulitika na naging inspirasyon upang maluklok sa kanyang posisyon.


Mayroong 300 maybahay ang nanumpa kay Lacson bilang mga bagong miyembro ng nasabing samahan, na may layong iangat ang antas ng kababaihan at hindi lamang ordinaryong ina ng tahanan na nabubuhay sa maghapon, bagkus ay paunlarin ang personalidad nito kung saan mahigit kumulang na sa 8,000 na ang kasapi nito.


Pinasalamatan naman ng mambabatas sina Erlinda ‘AU’ Macatunao, bilang secretay general at si Asst. Lorna Aguirre, over-all coordinator; Yolanda Bautista, secretary, at lahat ng mga staff ng kongresista na patuloy ang pagsuporta sa isang magandang layunin sa ikauunlad ng Malabon.


Ipinagmalaki din ni Lacson ang pinakamatandang kasapi ng KKM na si Lola Marina Sta. Cruz, na sa kanyang edad na 83 ay nagpakita ng sigla habang nagsasagawa ng pa-raffle, pa-contest at gift giving ng butihing si Kongresista. ROGER PANIZAL


.. Continue: Remate.ph (source)



Scholarship ipinagkaloob sa 85 mag-aaral ng Malabon


No comments:

Post a Comment