Tuesday, December 2, 2014

Ritz Azul nagkasakit sa sobrang diet

MAS sexy na ngayon ang TV5 star na si Ritz Azul nang nakita namin sa opening ng booth ng Shawill Cosmetics sa bagong bukas na Watson store sa SM Makati, groundfloor last Friday afternoon (Nov. 29).


Alam ba ninyo, dahil sa masinsinang pagda-diet niya, nagkakasakit na siya? Nilagnat at nagkaroon siya ng allergy sa skin. Dahil sa allergy, ilang beses nang ‘di nakadalo si Ritz sa mga important affairs na kailangan siya. Tulad nang nagkaroon ng gift-giving ang TV5 para sa mga victims ng Yolanda typhoon sa Tacloban, Leyte. Dapat kasama siya ni Derek Ramsay.


May insidente pa na kailangan niyang rumampa sa isang fashion event ngunit ‘di siya nakarating dahil sa pagda-diet ay nagkaroon siya ng malalaking rashes sa katawan.


Sa kabila ng sakripisyo niya, may dumadating ding swerte para sa kanya. Tulad ng pagkakaroon ng bagong show sa Kapatid network ngayong January 2015. Magiging leading lady siya ni Ogie Alcasid sa sitcom na may titulong ‘No Harm, No Foul.’ Makasasama sa programa nila sina Valeen Montenegro, Sophie Albert at isang sikat na basketball player.


Bale ikalawang sitcom na ni Ritz ang No Harm, No Foul sa nasabing istasyon.


Samantala, ngayong Monday, tampok si Ritz sa gown and accessories fashion show ni Ryan Madamba sa Buddha Bar, Century Plaza Mall, Kalayaan, Makati City.


Tampok sa gown ang sikat ngayong Abel Iloco fabric na gawa sa Ilocos country. Nasa event si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos. Supported si Madam Imelda ng Able Iloco fabric. ON THE SET/NOEL ASINAS


.. Continue: Remate.ph (source)



Ritz Azul nagkasakit sa sobrang diet


No comments:

Post a Comment