Wednesday, December 3, 2014

Pinoy, 11 pa, narekober sa lumubog na Korean vessel

UMAABOT na sa 12 bangkay ang narekober kasunod ng paglubog ng South Korean fishing vessel sa Bering Sea.


Ayon sa Sajo Industries na siyang may-ari ng Oryong 501, nasa 11 bangkay ang narekober kahapon hanggang gabi.


Ang mga namatay ay kinabibilangan ng pitong Indonesian, apat na South Koreans at isang Pinoy.


Patuloy pang kinikilala ang pagkakilanlan ng mga namatay na crew ng naturang barko.


Sa ngayon, 41 crew pa ang nawawala na kinabibilangan ng siyam na mga Pinoy.


Ang Oryong 501 ay may 60 tripulante nang ito’y lumubog dahil sa hagupit ng malakas na alon dulot ng masamang panahon.


Una nang na-rescue ang tatlong Indonesians, tatlong Pinoy at isang Russian na crew. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinoy, 11 pa, narekober sa lumubog na Korean vessel


No comments:

Post a Comment