BASAG ang bungo ng isang basurero matapos tumalon mula sa McArthur bridge kaninang madaling-araw.
Inilarawan ang biktima nasa edad 30-35, may taas 5″2, naka-stripe na t-shirt na may naka-print na PEN-386-B, naka-asul na jersey pants, at nakayapak.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District homicide section, alas-3 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may Southbound lane ng Padre Burgos St., Lawton, Intramuros, Maynila.
Sa pahayag naman ni Raymundo Morales, Jr.,empleyado ng Manila City Hall, nagulat na lamang ito nang may marinig na kalabog at tila may.tumambling sa kanyang likuran.
Napalingon ito at nakita ang biktima na duguang nakadapa.
Nabatid na hindi na naisugod pa sa pagamutan ang biktima at sa halip ay dinala na lamang ito sa St. Rich funeral para sa awtopsiya at safekeeping habang hinihintay ang kikilalang mga kaanak nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment