DAHIL sa pang-iiwan ng minamahal, isang lalaki ang natagpuang nakabitin at wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City kamakalawa ng tanghali.
Kinilala ang biktimang si Anthony Borses, 23, walang trabaho, ng #24 F. Nicolas St., Bgy. Niugan ng nasabing lungsod.
Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, dakong 12:45 ng tanghali nang matagpuan ang bangkay ng biktimang nakapulupot ng nylon cord at nakasabit sa kisame ng kanilang bahay.
Nauna rito, magana pa umanong kumain ng tanghalian ang biktima bago kausapin ang kanyang inang si Mirasol at sinabing “Mama, magpapasakla ka” na hindi naman binigyang-pansin ng huli dahil inakalang biro lang ito.
Ilang minuto ang lumipas, nakita na lamang ng kapatid ng biktima na si Mira Ann ang nakabiting katawan ni Borses na agad namang ipinaputol sa kinakasamang si Orlando Patawi ngunit huli na rin ang lahat.
Nabatid na problemado ang biktima mula ng iwan ng kinakasamang itinago sa pangalang Helen, ilang araw na ang nakalilipas na umano’y dahilan na pagpapakamatay ni Borses. ROGER PANIZAL
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment