Thursday, December 25, 2014

Ginang na lubog sa utang, nagpatiwakal

DAHIL sa pagkakalubog sa utang, pinaniniwalaang isang ginang ang nagpamatay sa loob ng isang hotel sa lungsod ng Naga.


Ang biktima ay kinilalang si Luzviminda Sumayan, 44, ng Zamboanga City.


Sa nakalap na impormasyon, nabatid na noong Disyembre 21 ay nag-check-in ang biktima sa Green Hotel.


Makalipas ang isang araw ay napansin ng mga empleyado na tila hindi lumalabas ang biktima.


Dahil dito, nagpasya na sila na pwersahang buksan ang pintuan ng kuwarto ng biktima para silipin ang kalagayan nito ngunit tumambad sa kanila ang wala ng buhay na biktima.


Napag-alamang nagpunta umano ang biktima sa Naga City para bisitahin ang kapatid na namamalagi sa Bgy. Carolina sa lungsod.


Nakuha sa pinagyarihan ang iba’t ibang ATM cards at isang demand letter sa pagkakautang umano ng biktima na nagkakahalaga ng P34,000.


Mayroon din umanong mga text message sa cellphone ng biktima na naniningil dito sa kanyang mga utang.


Mayroon ding iniwang suicide note si Sumayan na humihingi ng tawad sa asawa at anak dahil hindi niya na nakayanan pa ang kanyang dinadalang problema. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Ginang na lubog sa utang, nagpatiwakal


No comments:

Post a Comment